Inaasahan ng mga pamunuan ng bus terminals , pantalan at paliparan na dadagsa ngayon ang mas maraming pasahero bilang tapos na ang holiday break ng mga ito.
200,000 ang naitalang mga pasahero ng Philippine Ports Authority Port Management Office PPA PMO ang inaasahang babalik ngayon ng Maynila mula sa kani-kanilang Christmas vacation.
Ngunit nauna na dito, noong unang dalawang araw ng Enero ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 32,000 ang mga nagsiuwian sa pantalan.
Samantala, sa Ninoy Aquino International Airport naman, inaasahan na aabot ng 620,000 ang mga magsisiuwian mula sa mga local at international flights simula Biyernes hanggang linggo.
Sa ngayon ay nananatiling maluluwag ang mga naturang transportation hubs simula pa petsa uno at inaasahan na maguumpisa ang peak nito sa Biyernes hanggang Linggo.