-- Advertisements --

Maraming masasagasaan sa isyu ng bayaran ng mga bilanggo at ilang indibidwal para makakuha ng good conduct time allowance (GCTA).

Ito ang ibinunyag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kasunod ng paglalahad ng interes ng ilang testigo na isiwalat ang nalalaman nila sa “GCTA for sale” sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni Sotto na aantabayanan nila ngayong maghapon kung lulutang ang mga taong ito sa gagawing Senate hearing.

Inamin ng pinuno ng Senado na may mga tinukoy nang pangalan sa expose, ngunit gagawa pa sila ng proper validation bago ito ilabas.

Iginiit din nitong dapat ipagpatuloy ang Senate inquiry ukol sa pagpapalaya ng mga bilanggo para makabuo ng angkop na pagbabago sa batas, kahit nasibak na si BuCor Dir. Gen. Nicanor Faeldon.