-- Advertisements --

Nagkakaroon na ng pagbabago o tinatawag na ‘re-programmed approach’ ang mga text scammers para sa kanilang pambibiktima.

Ito ang naging pagbubunyag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy base na rin sa mga reklamong kanilang natanggap.

Isang inihalimbawa nito ay ang panghihikayat sa mga biktima nila na iparehistro ang kanilang mga SIM cards sa pamamagitan ng pagbibigay ng pekeng links.

Hinikayat na lamang ng kalihim ang publiko na iparehistro na lamang ang kanilang SIM para hindi na sila mahulog sa mga nagkalat na mga scammers.