-- Advertisements --

Personal na binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ang ilang tiangehan para matiyak na nasusunod ang minimum health standard.

Kasama nito ang ilang mga tauhan niya sa ahensiya kung saan may mga dala pa ang mga ito ng metering stick na mayroong 1 meter na haba.

Dagdag pa ng kalihim na ang mahalagang regalo ngayong kapaskuhan ay ang pag-iingat sa sarili na hindi makahawa ng anumang sakit.

Maging ang mga vendors ay kaniyang kinausap at pinaalalahanan na bukod sa pagkuha ng temperatura ay dapat matiyak na mayroong ipinapatupad na 1 meter na distansya ang bawat isa.