Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga establisyemento na gumagawa at nagtitinda ng mga pekeng dokumento sa may Recto, Maynila kaninang hapon.
Ayon kay Sr Supt Belly Tamayo, ng CIDG ATCU o Anti-trans National Crime Unit, karamihan sa mga pinepekeng mga dokumento sa Recto ay mga drivers license, birth certificate, mga diploma at lahat ng klase ng dokumento na kadalasan ginagamit for employment purposes.
Kabilang sa kinumpiska ng mga operatiba ang mga printing machines at idinamay na rin ang ilang mga video karera na nasa paligid.
Sasampahan ng patong-patong na kaso ang mga indibidwal na nagbebenta ng mga pekeng domukento.
Kasong paglabag sa Article 172 ng RPC falsification of public documents at RA 1602 dahil sa ilegal gambling ang isang lalaki at isang babae na naaresto na may ari ng video karera at ng printing machines.