Aabot sa kabuuang 2,769 benepisyaryo na magsasaka mula sa Caraga Region ang pinagkalooban ng titulo ng agricultural land mula sa Department of Agrarian Reform.
Ayon sa ahensya, naipamahagi nila ng kabuuang 4,659 ektarya ng lupa sa mga benepisyaryo.
Nanguna sa pamamahagi ng titulo ng lupa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si DAR Secretary Conrado Estrella III.
Maliban dito ay iturnover rin ng ahensya ang aabot sa Php 8.9 Million halaga ng farm machineries at equipment sa kabuuang 1,681 agrarian reform beneficiaries. sa naturang rehiyon.
Kabilang sa mga ito ang tractors, hand tractors, grass cutters, at maging knapsack sprayers.
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng Climate Resilient Farm Productivity and Support Program ng DAR.
Ito ay sa pakikipagtulungan rin ng Department of Agriculture.
Karamihan sa mga magsasakang benepisyaryo ay nagmula sa Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Dinagat Islands sa nabanggit na rehiyon.