Ipinag-utos ng pamunuan ng Toll Regulatory Board sa lahat ng kanilang mga toll operators ang paglalaan ng kaukulang mitigating measures pangontra sa labis na init ng panahon.
Sa isang panayam sa Karama, inihayag ni TRB Executive Director Alvin Carullo na kabilang sa mga suhestiyon ay ang pagkakaroon ng mga rotations teller para makaiwas sa init.
Upang mangyari ito, iginiit ng opisyal na kinakailangang mag hire ng mga karagdagang tauhan ng sa gayon ay hindi makompromiso ang operasyon sa mga toll gate.
Una nang nagpaalala ang DOLE hinggil sa tamang pagsunod sa Labor Advisory No. 8, series of 2023.
Ito ay naglalatag ng mga pangunahing hakbang para maprotektahan ang sinumang empleyado laban sa heat stress.
Kasama na rito ang pagbabawas sa exposure ng mga empleyado sa matinding init, paglalagay ng kaukulang bentilasyon at heat insulation sa lugar ng paggawa maging ang pag-adjust sa kanilang pahinga at sapat na access sa libreng inuming tubig.