-- Advertisements --

Nakahanda ang ilang tourist spots sa bansa sa posibleng pagbuhos na ng turismo matapos na maraming mga lugar ng inilagay sa mas maluwag na alert level.

Sinabi ni Philippine Tourism Promotions Board (TPB) COO Maria Anthonette Velasco-Allones, sa nakaraang dalawang taon ay mayroon na silang isinagawang programa para matulungan ang tourist sites na makapaghanda sa posibleng pagbabalik ng mga international travellers.

Matapos kasi ang halos dalawang taon ay masasabi aniya na handa na muling mabuhay ang tourismo sa bansa.

Ilan sa mga kahandaan na kanilang isinagawa ay ang paglalagay ng mga signages na nagpapaalala pa rin sa mga tao na sumunod sa minimum health protocols.

Magugunitang bukod sa pagluwag ng gobyerno sa ilang lugar sa pamamagitan ng paglalagay sa mas mababang alert level ay naluwagan na rin ang pagpasok ng mga dayuhan at returning Filipinos basta sila ay fully-vaccinated na.