-- Advertisements --
Inihanda ng Kyiv, Ukraine ang apat na metro stations na gagamitin para gawing taguan ng mga tao laban sa air strike ng Russia.
Sinabi ni Kyiv Mayor Vitaly Klitschko na ang nasabing mga trains stations ay walang mga gumagana o tumatakbong trains.
Magpapatupad din aniya sila ng curfew para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lugar.
Magugunitang patuloy ang pag-abanse ng mga sundalo ng Russia sa Ukraine kung saan ilang katao na rin ang nasawi matapos ang pag-paulan ng missile ng Russia sa Ukraine.