Nananatili pa rin ang normal operations ng mga transmission line na nasa ilalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa kabila ng mga pag-ulan at paghanging dulot ng bagyong Enteng.
Ito ay batay sa regular na monitoring ng national grid mula nang magsimulang maramdaman ang hagupit ng bagyo.
Ngayong araw, unang naglabas ang NGCP ng monitoring report kaninang ala-una nang madaling araw (Sept. 2), sinundan ng 5AM report, at 9AM report.
Sa tatlong magkakasunod na monitoring report, nananatili sa normal operations ang mga transmission lines sa mga lugar na naaapektuhan ng bagyo.
Maging ang mga transmission facilities nito na ginagamit sa power distribution ay nananatili rin sa normal operations.
Nananawagan naman ang ahensiya sa publiko na ireport kaagad sa power sector/electric cooperative ang mamonitor o makitang problema sa power sector habang nananalasa ang bagyo.