-- Advertisements --
Nagsagawa ng vigil sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City ang mga transport groups na nagsagawa ng unang araw ng tigil pasada.
Ang mga grupo ay kinabibilangan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) at Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA.
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena na nasa 8,000 na mga jeepney drivers at operators ang dumalo sa vigil bilang protesta sa consolidation sa ilalim ng PUV modernization program.
Igiit nito ng naging matagumpay ang kanilang transport strike dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng mga kapulisan.
Una ng sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi naapektuhan ang publiko sa isinagawang tigil pasada.