-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaabangan na ang pagpapakitang -gilas ng mga tribu para sa Dinagyang Festival sa gaganaping Pamukaw na nangangahulugan ng panggigising upang ipaalam na nagsimula na ang Dinagyang fever.

Magpapatikim ng kanilang performances ang siyam na mga barangay tribes sa iba’t ibang public plazas sa lungsod ng Iloilo.

Ang mga tribu ay kinabibilangan ng Tribu Molave, Familia Sagrada, Tribu Parianon, Tribu Kanyao, Tribu Aninipay, Tribu Hamili,Tribu Sagasa, Tribu Panaad at Tribu Angola.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Francis Mike Vito, tribe manager ng Familia Sagasa, tiniyak nito na sa pagbalik ng Familia Sagasa sa Dinagyang Festival 2020 sa pamamagitan ng Dagyang sa Calle Real, maipapakita tribu ang kaibahan ng kanilang sayaw at musika bilang alay kay Sr. Sto. NiƱo.

Unang naging kampeon ang Familia Sagasa sa Ati-Ati competition noong 1977 at naging three-time champion mula 1990, hanggang 1992.

Huling lumahok ang Sagasa noong taong 1996.

Napag-alaman na ang Florete Group of Companies ay isa sa mga naging sponsors ng tribu.