-- Advertisements --

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na papayagan pa rin nila na makabiyahe ang mga tricycle, e-trike at pedicab sa siyudad sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, hindi rin umano ito magpapatupad ng liquor ban sa lungsod.

Maliban pa rito, balik na raw sa alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang curfew, mula sa alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga na curfew noong nasa General Community Quarantine ang lungsod.

Sa kasalukuyan, nasa 4,664 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saan nasa 1,431 ang active cases.