-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naghahandog ng isang linggong libreng sakay ang Butuan City-wide Tricycle Transport Association para sa lahat ng mga guro nitong lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Wilfredo Ybañez Jr., chairman ng nasabing asosasyon na ito’y bilang tribute nila sa mga guro at bilang pakiki-isa na rin nila sa pagho-host ng Butuan City sa culmination activity ng World Teacher’s Day celebration sa buong Pilipinas.

Gaganapin ang nsabing programa bukas, Biyernes na dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng Department of Education sa pangunguna ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio.

Aabot umano sa mahigit 700 mga miyembro ng kanilang asosasyon ang magbibigay ng libreng sakay na nagsimula na nito pang Lunes at matatapos sa Biyernes.
Bombo Butua