-- Advertisements --

Nagkakaroon ng kakulangan ng merchant sailors na magiging tripulante sa mga commercial ships ng hanggang limang taon.

Ayon sa pag-aaral ng BIMCO at International Chamber of Shipping na dahil sa coronavirus pandemic ay nagkaroon ng kakulangan ng bilang ng mga tripulante.

Mas lumaki pa ang nasabing problema nang manalasa ang Delta variant sa Asya at ilang bansa.

Sinabi ni ICS general Guy Platten na lubos na kulang ang bilang ng mga tripulante na makakaapekto para protektahan ang suplay ng pagkain, fuel at mga gamot.

Sinasabing nasa 25% ng global supply ng mga seafarers ay mula sa Pilipinas.