Inanunsiyo ng Toll Regulatory Board na hindi makakasama o exempted sa toll increases ang mga trucks na nagkakarga ng mga agricultural products simula Hunyo 1.
Ayon kay TRB Executive Director Alvin Carullo, na makikinabang dito ang nasa 300 na mga agricultural trucks na gumagamit ng mga expressway patungong norte at timog ng Metro Manila araw-araw.
Para makasama o maging kwalipikado ay ang mga truck ay dapat accredited ng Department of Agriculture o (DA).
Maari ding mag-apply ng accreditation ang mga Class 1 at Class 2 na mga sasakyan.
Makakatanggap din ng mga rebates ang mga trucks matapos na magpatupad ng taas singil sa toll noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ang rebate program ay sa pakikpag-ugnayan sa Cavite Toll Expressway (CAVITEX), NLEX (North Luzon Expressway), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) and South Luzon Expressway (SLEX).
Makukuha lamang ang rebates at exemptions kapag mayroong valid na Autosweep o RFID account.