-- Advertisements --

Hindi umano siniseryoso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga usap-usapan kaugnay sa tunay na lagay ng kanyang kalusugan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahala ang publiko na bumuo ng sarili nilang konklusyon sa kalusugan ni Duterte na nakatakda pang dumalo sa isang conference sa Japan sa darating na Mayo 30 hanggang 31 ngayong taon.

“Let me assure the nation that if there is anything wrong with the President’s health serious enough to be of our concern, he will tell us and he said so himself,” ani Panelo.

Mayo 7 nang linawin ng Palasyo na isang linggong “work from home” ang pangulo kaya hindi nagpakita sa publiko, maliban na lamang nitong isinagawang May 13 midterm polls kung saan siya ay bumoto sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.

May mga impormasyon naman na naospital daw ang 74-anyos na pangulo ng bansa sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Sa kabila ng isyung pagkalusugan ni Duterte, naghahanda pa rin umano ang Commission on Elections (COMELEC) sa posibilidad na pagdalo ng pangulo sa proklamasyon ng mga winning senatorial candidates bukas, May 21.

“We don’t know for sure but because he (Duterte) did come to the filing of COCs (certificate of candidacy), that is something we’re preparing for as well. Naghahanda tayo. We’re not just preparing for his arrival security-wise, but we’re also preparing a space for him and his entourage on the floor for tomorrow,” ani COMELEC spokesperson James Jimenez.