-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi muna tatanggap ng mga turista ang Siargao Islands at iba pang mga tourist destinations ng Surigao del Norte sa loob ng 2 linggo bilang pagpapatupad sa mas istriktong health measures dahil pa rin sa bantang hatid ng COVID-19 Delta variant.

Sa inilabas na Executive Order No. 21-029 ni Governor Sol Matugas, nakasaad na suspendido ang air at sea travels ng mga pasaherong mula sa Luzon at Visayas patungong Surigao del Norte na magsisimula ngayong Miyerkules, Agusto a-11 hanggang a-22.

Sa nasabing mga araw din hindi sila magpapasok ng mga turista at kailangang maglalagay ng provincial checkpoints sa lahat ng mga points of entry ng lalawigan.

Ipinagbabawal din ang face-to-face meetings at seminars habang kailangang magpresenta ng mandatory travel protocols at requirements ang mga exempted individuals