-- Advertisements --

Hindi bubuksan sa turista ang isla ng Bali sa Indonesia hanggang sa pagtatapos ng taong 2020.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Una ng ipinanukala ng mga otoridad sa lugar na pagbubukas ng isla sa mga turista sa susunod na buwan subalit ito ay kanilang binawi.

Maraming residente naman sa Bali ang nangangamba sa kanilang kabuhayan dahil sa turismo lamang sila umaasa.

Taon-taon kasi ay dinarayo ng ilang libong turista ang nasabing isla dahil sa dagat nito, terraced rice fields at ang Hindu temples.

Umabot na kasi sa mahigit 4,00 ang naitalang kaso sa Bali kung saan mayroong 52 ang nasawi.