-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Libu-libong mga local at foreign tourist ang bumuhos sa Isla ng Boracay upang saksihan ang taunang selebrasyon ng Boracay White Beach Festival 2024.

Ayon kay Ms. Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office nang simulan ang mga events noong Oktubre 11 ay hindi bababa sa 5,000 ang mga bisita na nagbabakasyon sa isla bawat araw.

Nabatid na ilan sa mga participants sa iba’t ibang mga events gaya ng beach tennis ay mga dayuhan.

Ito na ang ikalawang taon na ginanap ang festival bilang isang hakbang upang mas pang mapalakas ang industriya ng turismo sa Boracay.

Kabilang sa mga nangungunang atraksyon sa selebrasyon ay ang beach foam party , sand castle festival , paraw sailing , at ang ginanap na Mr. Grand Philippines 2024 fashion show and swimwear competition.

Magtatapos ang selebrasyon sa Oktubre 31 kung saan, ilan pa sa mga nakahanay na aktibidad ay ang food bazaar, international dragon boat race, beach volleyball international, beach football, beach Frisbee, at ang kauna-unahang beach basketball .

Ang nasabing festival ay isinasagawa sa buwan ng Oktubre batay sa isang municipal ordinance bilang simbolo na ang bayan ng Malay, Aklan ay sagana sa pamanang pandagat at cultural identity.