-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Tourism na payagan na ang mga bata at hindi lalagpas ang edad na 60 mula sa Western Visayas na bibisita sa isla ng Boracay.

Sinabi ni DoT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na layon nito ay para muling makabangon ang tourism industry ng bansa.

Sa ganitong paraan aniya ay mas lalong makak-enganyo ito ng mas maraming mga turista.

Wala rin kasing naitalang kaso ng COVID-19 sa nasabing isla.

Magugunitang nagsara ang nasabing isla mula pa noong Marso dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.