LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang mga otoridad sa mga turistang nagbabalak na pumasok sa danger zone ng bulkang Mayon ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Miladee Azur ng Legazpi City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), inaasahan ang pagdagsa ng mga turista na nais makita ang sikat na bulkan at mag-ATV sa paligid nito.
Ngunit binigyang diin ng opisyal na nananatiling nakataas sa Alert level 2 status ang Mayon kung kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-km permanent danger zone (PDZ) habang dobleng pag-iingat naman ang kinakailangan sa mga pupunta sa 7 km extended danger zone.
Samantala, nagpayo si Azur sa mga may-ari ng resort na maglagay ng lifeguard na magbabantay 24 oras sa mga bibisitang mga turista upang maiwasan ang hindi mga inaasahang pangyayari.
Abiso pa nito na siguraduhing nainspeksyon at naisara ng mabuti ang iniwang bahay upang maiwasan na mabiktima ng sunog at pagnanakaw.