Pinaplano na rin ng Japan na isama sa kanilang listahan ng entry denials ang mga banyaga na magmumula sa Estados Unidos, China, South Korea, Europe at Southeast Asia dahil sa lumalalang kaso ng coronavirus pandemic.
Napagdesisyunan ng Japanese government na itaas sa level3 ang travel alert level para sa US kung saan nirekomenda rin nito na kanselahain na lamang ng mga pasahero ang kanilang mga byahe.
Pagbabawalan din ng Japan na makapasok sa bansa ang mga taong namalagi sa Amerika sa loob ng dalawang linggo. Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng mabilis na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika.
Lahat naman ng natitirang bansa ay mananatili sa level 2 ngunit hinihikayat pa rin ang mmga ito ng Japanese government na ipagpaliban muna ang pagbisita sa kanilang bansa.