-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Malay ang mga turista na bawal ang mag-party at gumawa ng ingay sa isla ng Boracay sa Biyernes Santo.

Ang kautusan ay batay sa ordinansang inilabas ng Sangguniang Bayan kung saan nakasaad na bawal ang magpatugtog ng malakas at mag-party sa isla simula alas-6:00 ng umaga ng Biyernes Santo hanggang alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria.

Layunin ng direktiba na maging sagrado ang paggunita ng mga tao sa Semana Santa lalo na ang pagninilay tuwing Biyernes Santo.

Nabatid na mahigpit namang sumusunod sa naturang direktiba ang mga establishment owners lalo na ang mga may ari ng bar at maging ang mga turista.