-- Advertisements --
Boracay Island 1

KALIBO, Aklan – Umaabot pa rin sa halos 4,000 hanggang 5,000 ang bilang ng mga turista na pumapasok sa isla ng Boracay bawat araw sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV ARD).

Batay sa record ng Malay Tourism Office, karamihan dito ay mga dayuhan mula sa mga malalamig na bansa gaya ng Russia at Europe.

Kaugnay nito, natabunan ang pagkawala ng mga Chinese nationals dahil sa ipinaiiral na travel ban mula sa China, Hongkong at Macau.

Kahit na ramdam ang epekto sa ekonomiya at turismo sa isla, nananatiling normal ang operasyon sa Boracay maliban na lamang sa mga Chinese establishment na nagsara dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang mga parokyano.

Una rito, ipinag-utos ni Malay acting Mayor Frolibar Bautista ang pansamantalang pagsuspinde na makapasok sa bayan ang mga tao na may travel history sa nasabing bansa.

Muling nilinaw ng alkalde na wala pang kumpirmadong kaso ng nasabing respiratory virus sa buong bayan kahit na marami ang isinailalim ng Department of Health sa obserbasyon dahil sa pagkaroon ng mga ito ng travel history sa epicenter ng coronavirus.

Boracay station 1