Maaari ng makapaglakbay muli ang mga turistang Pilipino sa mga tourist destination sa China kasunod ng muling pagbabalik ng issuance ng visas para sa lahat ng mga banyagang turista.
Kabilang ang issuance ng tourism visa, port visa at multiple visa-exemption policies na pinayagan simula noong Marso 15 ng kasalukuyang taon.
Ginawa ni Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian ang naturang anunsiyo.
Maaring gawin ang aplikasyon para visa sa pamamagitan ng online visa processing portal subalit ang mga interesado ay maaaring komunsulta sa Chinese Embassy sa Manila at Consulates sa Cebu, Laoag at Davao para sa mas detalyadong requirements at procedures.
Ito ang unang pagkakataon na magbubukas ang China para sa mga banyagang turista simula ng tumama ang covid-19 pandemic tatalong taon na ang nakakalipas nang magpasya ang Beijing na isara ang kanilang borders.