-- Advertisements --
Tinanggal na ng PAGASA ang lahat ng mga Tropical Cyclone Wind Signal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 300 kilometers ng western Iba, Zambales.
Mayroong dalang hangin na 120 kilometers per hour at may pagbugso ng 150 kph.
Magdudulot pa rin ng mga pag-ulan ang mga bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, Bataan at northern Occidental Mindor kasama na ang Lubang Island.
Inaasahan na tuluyan ng lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ulysses umaga ng Biyernes.