Nangako ang Department of Education (DepEd) na patuloy nilang tutugunan ang mga pangangailangan sa edukasyon lalo na sa implementasyon ng distance learning sa harap ng COVID-19 pandemic.
“We will continue facing these challenges (and) we will continue to adjust to the changing needs for education,” wika ni DepEd Sec. Leonor Briones.
“We will continue projecting what the future of education will be and we will continue developing ways by which, such creative ways will enhance the role of teachers in implementing DepEd programs and initiatives,” dagdag nito.
Noong Disyembre, inilunsad ng kagawaran ang “DepEd Teaches” upang umagapay sa mga guro para sa new normal dulot ng health crisis.
Ayon kay Briones, ang naturang iniyatibo ay kontribusyon ng Curriculum and Instruction strand para suportahan ang mga hakbang ng DepEd sa pakikipag-usap sa iba’t ibang mga stakeholders.
“It serves as a mechanism for providing technical assistance to the field as we are adapting to the new normal in basic education,” anang kalihim.
Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, layunin din ng programa na maresolba ang kalituhan at mga pagdududa sa curriculum, instruction, at assessment initiatives ng ahensya.
“If there is constant communication, doubts, confusions, and uncertainties and even the difficult activities or problems that have been assigned to be undertaken and solved by learners will be addressed effectively,” ani San Antonio.
Tampok sa DepEd Teaches ang iba’t ibang episodes kung saan binibigyang pokus ang mga hakbang at inisyatibo na maaring sundin ng mga guro para mapagtagumpayan ang mga hamon sa edukasyon.