Ibibigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga hindi nailista pero kuwalipikado ang mga hindi nakuhang ayuda sa mga naninirahan sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na karamihang mga problema ng Local Government Unit ang kawalan na sa listahan ng ilang residente gaya ng paglipat sa ibang lugar.
Muling iginiit ng kalihim na hindi na sila magbibigay ng extension sa pagtatapos ng pamamahagi ng ayuda sa Mayo 15.
Pagkatapos ng Mayo 15 ay magbibigay sila ng 10 araw para ayusin ng mga LGU ang listahan at para matiyak na maipapamahagi ang mga unclaimed na ayuda sa mga hindi nailista nilang mamamayan pero kuwalipikado.
Magugunitang naglaan ang national government ng P22.9 bilyon para sa mga mamamayan ng NCR Plus na naapektuhan ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine.