Aabot sa 63 na mga higher education institutions sa bansa ang nagsisilbing vaccination sites.
Pinakamarami dito ay sa Metro Manila.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) na sa Metro Manila pa lamang ay mayroong 11 unibersidad ang ginawang vaccination sites.
Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 10 habang mayroong tig anim na vaccination centers sa Calabarzon, Soccsksargen at Zamboanga Peninsula.
Sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na hinikayat niya ang mga unibersidad na maging vaccination hub para mapabilis ang ginagawang pagpapabakuna ng gobyerno.
May ilang lugar naman na walang mga gymnasiums ang kanilang higher educaiton institutions gaya sa Cagayan Valley, Mimaropa at Bangsamora Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).