DAVAO CITY – Nanguna ngayon ang Ateneo de Davao University (AdDU) samantala nasa ikatlong pwesto naman ang Jose Maria College (JMC) bilang “top-performing law schools” na may 51-100 passer sa first-time candidates sa resulta ng Bar Exam sa bansa.
Naabot ng AdDU ang 96.55 percent passing rate habang 64.64 percent passing rate sa JMC. Samantala, nasa ikaapat na pwesto ang The University of Mindanao na may 90.91 percent passing rate para sa first-time takers sa top-performing law schools na may 11-50 candidates.
Habang sa mga law schools na may 1-10 first-time candidates, nasa ikalawang pwesto ang Thomas More School of Law and Business sa Tagum City na adunay 88.89 percent. Hindi rin nagpahuli ang St. Mary’s College of Tagum sa Tagum City sa kanilang 66.67 percent rate.
Mula sa 9,183 hopefuls na nakapagtapos sa November 2022 Bar Examinations, nasa 3,992 law graduates ang nakapasa sa Bar exams.
Nanguna ang University of the Philippines sa Top 30 Highest Rating, kung saan isa sa 13 mga UP students ang Rank 1 habang 8 naman ang nagmula sa Ateneo de Manila University.