Lumalabas na souvenirs ang umano’y mga uniporme ng militar ng China na nadiskubre sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub sa Porac, Pampanga na ginagamit ng mga dayuhang manggagawa ayon kay Maj. Gen. Leo Francsico, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Base sa naunang ulat, natagpuan ang mga uniporme sa mga dorm, villa at mga opisina ng establishimento.
Mayroong 4 na set ng uniporme ng militar ang nakita at sa ngayon, tila ito ay mga souvenir na ginagamit ng mga Chinese national sa POGO hub, ngunit hindi isinasantabi ang posibilidad na may isa pang dahilan kung bakit ang mga uniporme ng militar ay nandoon sa lugar.
Nauna rito, ibinunyag ng tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na si Winston Casio, na may nakitang dokumento na may pangalan ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa establisyimento, kasama ang mga uniporme ng People’s Liberation Army, isang “outstanding service medal” para sa isang sarhento ng Chinese military, military pin, at 2. pares ng bota.
Matatandaan na humigit-kumulang dalawang linggo na ang nakalipas nang nagsagawa ng raid ang PAOCC at joint operatives ng Philippine National Police units, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mahigit 190 indibidwal sa loob ng Pogo complex sa may Friendship Highway sa Angeles City, Pampanga.