-- Advertisements --

Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar.

Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya ang suspek at mang-abuso pa ng ilang mga kabataan.

Dagdag pa nila na binalewala ng FBI ang kanilang mga alegasyon.

Kasama nilang nagreklamo laban kay Nassar ang kapwa nilang gymnasts na sina Maggie Nichols at Aly Raisman.

Si Nassar na dating USA Gymnast team doctor ay kasalukuyang nakakulong.

Unang ibinunyag ang pang-aabuso ni Nassar noon pang Hulyo 2015.