-- Advertisements --

Sasailalim sa pitong araw na quarantine ang mga pasahero mula sa US na magtutungo sa Hong Kong.

Ang nasabing kautusan ay ipinatupad matapos na isang pasahero mula US ang nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19 pagdating sa Hong Kong.

Magsisimula itong ipatupad sa Disyembre 13 kung saan dadalhin ang mga pasahero na galing US sa quarantine facilities na ipinapatakbo ng kanilang gobyerno.

Sa naunang patakaran ay papayagan ang mga US passengers kapag sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 subalit sila ay dapat naka-quarantine at sasailalim sa COVID-19 testing.

Magugunitang isang 37-anyos na lalaki mula sa US ang nagpositibo sa Omicron pagkadating niya sa Hong Kong.