-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umani ng iba’t ibang reaksyon ang desisyon ng United States Supreme Court na nagbigay ng absolute immunity kay dating US President Donald Trump mula sa nagawa nitong mali habang nasa kanyang posisyon.

Ayon kay Bombo international correspondent Ferdinand Nakila, karamihan umano sa mga tao sa Amerika ay umaasa na sana’y ‘No one is above the law.’

Ito’y dahil magiging katatawanan na ehemplo umano sa buong mundo ang desisyon ng US Supreme Court na posible ding gagayahin ng ibang mga bansa.

Dahil sa desisyon ng Korte Suprema ay wala nang gagawing court hearing at nasa mga tao na ang pagdesisyon kung kanilang muling pauupuin sa pinakamataas na posisyon sa US government si Trump ngayong Nobyembre a-5 na presidential election.