-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Mahigit 100 mga ustadz o Arabic teachers ang nabiyayaan ng bigas, asukal at tulong pinansyal ngayong buwan ng ramadan mula sa lokal na pamahalaan ng Pagalungan, Maguindanao.

Sinabi Pagalungan Vice Mayor Datu Abdilah “Abs” Mamasabulod na umaabot sa 170 mga ustadzis ang nabigyan ng tulong na mula sa iba’t ibang mga barangay na sakop ng bayan ng Pagalungan.

Ang pamamahagi ng tulong ay bahagi na ng programa ng LGU Pagalungan sa pamumuno ni Mayor Datu Salik Mamasabulod tuwing sasapit ang banal na buwan ng ramadhan upang matulungan ang mga ito sa kanilang pag aayuno.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga ustadzis ng bayan dahil malaking tulong ito para sa kanilang isang buwang pagpupuasa.