-- Advertisements --

Nagpaalala si National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi maaaring gamitin bilang souvenir items ang mga vaccine vials.

Ayon kay Galvez na nauna nang tinurukan ng Sinovac vaccine, nais niya raw sanang hingin ang vial na ginamit sa kanyang vaccination bilang remembrance, ngunit sinabihan daw siya na hindi ito maaari.

Paglalahad ni Galvez, binibilang daw ang mga nagamit nang vials at sinisira para masigurong hindi ito mare-recycle.

Samanyala, inilutang ng kalihim ang posibilidad ng paglipana ng pekeng mga bakuna kung hindi masunod ang disposal process.

Noong Marso 1 nang opisyal na simulan ng bansa ang vaccination program nito laban sa COVID-19 gamit ang CoronaVac vaccine ng Sinovac na bigay ng Chinese government.

Maliban kay Galvez, una na ring nabakunahan sina National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon at Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.

Ang tatlong nabanggit na mga opisyal ay pinayagang magpabakuna upang pataasin ang kumpiyansa ng publiko sa vaccination program.