-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Hinihikayat ng Baguio City Market Authority ang mga vendors sa merkado na muling makibahagi sa rat catching challenge.
Inihayag ni Market Superintendent Fernando Ragma Jr. na nagpapatuloy pa rin ang rat catching challenge sa merkado.
Aniya, halos wala ng nakikibahagi sa aktibidad at kung minsan ay limang daga na lamang ang ipinupunta sa kanilang tanggapan habang kung minsan ay wala kahit isa.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na lahat ng vendors ay obligadong gumamit ng mouse trap sa kanilang mga pwesto para masugpo ang mga daga.
Naniniwala si Ragma na kakaunti na lamang ang mga daga sa Baguio Public Market dahil sa pagsasagawa ng rat catching challenge.