-- Advertisements --

Pinawi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pangamba ng ilan na naapektuhan maging ang mga sporting venues na gagamitin para sa 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) matapos na tamaan ang lugar ng magnitude 6.1 na lindol nitong nakalipas na Lunes.

Matapos ang ginawang inspections ay agad daw na ipinagpatuloy ang paggawa para magamit na ang mga ito at mahabol para sa pinakamalaking sporting event na gaganapin sa bansa ngayong taon sa Nobyembre.

Magugunitang isasagawa sa Clark ang ilang kompetisyon ng 2019 SEA Games.