-- Advertisements --
uk trailer truck

Nakilala na ang lahat ng 39 na mga Vietnamese na natagpuang patay sa isang refrigated truck sa Essex, southern England.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa Vietnamese officicals para tuluyan ng matuntun ang mga kaanak ng mga biktima.

Nais muna nilang ipaalam sa kaanak ng mga biktima bago isapubliko ang nasabing pangalan ng mga biktima.

Magugunitang natagpuang patay ang mga biktima sa loob ng truck ng ito ay dumaan sa checkpoint kung saan agad ring naaresto ang nasabing suspek na driver ng truck.

Umabot na sa 11 mga naaresto sa dalawang probinsiya sa Vietnam na umano’y may kinalaman din sa nasabing insidente.