-- Advertisements --

Iimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga vloggers at trolls na nagpapakalat ng mga maling impormasyon at fake news sa social media at ibang online platforms.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, lumalala na ang mga online attacks sa mga tao kaya gumalaw na ang kanilang cybercrime unit.

Giit nito na nirerespeto nila ang freedom of expression at speech subalit hindi naman dapat mag-imbento ng mga balita.

Binalaan din nito na kakasuhan ng NBI ang ilang katao kabilang si Maharlika na isang US-based vlogger.

Maaring maharap ito ng paglabag sa anti-cybercrime law at inciting to sedition.

Tinitignan din nila ang social media post na iniuugnay kay dating presidential spokesperson Harry Roque na nanghihikayat ng “people power”.

Mahigpit din ang kanilang ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa National Telecommunications Commission (NTC) para tuluyang labanan ang nasabing pagkalat ng mga fake news.