-- Advertisements --

Sinampahan na ng reklamo ng Department of Environment and Natural Resources ang dalawang vlogger nang dahil sa umano’y maltreatment sa dalawang Philippine Tarsiers sa Polomolok, South Cotabato.

May kaugnayan pa rin ito sa isang video na kumalat online kung saan makikita ang dalawang vlogger na tila pinagkakatuwaan at pinaglaruan ang mga tarsier na nagpapahinga lamang sa isang sanga.

Ayon sa DENR-Soccksargen, Regional Executive Director Felix Alicer, ito ay matapos ang kanilang ginawamg evaluation hinggil sa naturang kaso na nagresulta naman sa naging paglabag ng mga vloggers na sina Ryan ParreƱo at Sammy Estrebilla sa Section 27, paragraphs (f) and (h) ng Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Act of 2001 in relation to Section 20 paragraphs (a) and (b) ng RA 7586, na inamyendahan naman ng RA 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018.

Samantala, sa kabilang banda naman ay umapela si Alicer sa publiko na tulungan ang DENR sa pagpe-preserba sa mga wildlife species, kalikasan, at sa ating bansa.

Kung maaalala, una nang inihayag ng ahensya na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay napakawalan na rin muli ng dalawa ang mga tarsier na nakitang pinaglalaruan ng naturang mga lalaki sa nasabing viral na video.