-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi na papayagan pa na pumasok sa mga government offices, mga malls at iba pang lugar sa Iloilo City ang mga hindi bakunado.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na kailangang magpakita ng vaccination at booster cards ang isang indibidwal bago pumasok sa nasabing mga tanggapan at establisyemento.

Ayon kay Treñas, ang nasabing hakbang ang naisip nilang paraan upang hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa Iloilo City lalo na at nakapagtala na lang isang kaso ng Omicron variant sa lungsod.

Tiniyak naman ng alkalde na sapat ang mga bakuna sa Iloilo City at sa katunayan anya, bukas ang lungsod sa mga residente sa kalapit na lalawigan na nais magpabakuna.