-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Positibo sa E. coli at Coliform bacteria ang lahat ng mga water refilling stations sa mga bayan ng Dapa at General Luna sa Siargao Islands sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan direkta mula sa nasabing isla, kinumpirma ni Bombo Siargao correspondent Roel Catoto na base ito sa findings ng Department of Health (DoH) Caraga sa kanilang ginawang pagsusuri matapos maitala ang sunod-sunod na mga kaso ng diarrhea, acute gastroenteritis at dehydration.
Kahit umano na pinoproseso na ang nasabing mga tubig na syang kinukunsumo ng mga tawo, napasukan pa rin ito ng mga bacteria kung kaya’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng mga water-borne diseases.