Magpapahinga muna ng bahagya bago sumabak sa ensayo ang mga weightlifter ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.
Matapos ang paglalaro nila sa International Wieghtlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand nina two-time Olympian Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza ay dumating na sila sa bansa.
Labis ang kasiyahan ni Ando matapos ang pagpasok niya ng Paris Olympics para sa 59 kgs. weight division ng mabuhat ang kabuuang 228 kgs.
Tinalo ni Ando sa nasabing kumpetisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
Ilan sa mga paghahanda ng mga wieightlifter ay ang pangangalaga sa kanilang mental at physical health.
Ang nasabing mga atleta ay makakasama nina pole vaulter EJ Obiena, boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at gymnasts na si Carlos Yulo at Aleah Finnegan.