BUTUAN CITY – Nagmistula ng animal sanctuary ang walang katao-taong mga kalsada ng Madrid, Spain matapos maglabasan ang mga wild animals mula sa mga bundok.
Ito ang isinasalaysay ni Butuanon Bombo international correspondent Ronnel Rosal sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan.
Ayon kay Rosal na permanent resident na ng Madrid kasama ang buong pamilya, laking gulat na lamang nila nang makita sa mga kalsada ang mga wild animals na naghahanap ng kanilang makakain gaya ng usa, baboy-ramo, mga unggoy, civet, at iba pa.
Dahil umano sa kawalan na ng mga tao sa mga kalsada ay maaring naramdaman ng nasabing mga hayop na walang makakadisturbo sa kanila dahilan sa kanilang paglabas mula sa bundok na isang kilometro lang ang layo mula sa kanilang lugar.
Kanila pang nakita ang mga unggoy na nagtatampisaw sa swimming pool.