-- Advertisements --
pnp CHIEF ALBAYALDE
PNP chief Albayalde

Magsusumite ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang “wish list” ng mga kagamitang kailangan pa nila sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ng iutos sa kaniya ng Pangulo ng magkausap sila pagkatapos ng SONA noong Lunes.

Ito’y kasunod ng binanggit ng Pangulo sa kanyang SONA na kailangang palakasin ng AFP at PNP Ang kanilang intelligence gathering bilang pangontra sa terrorismo.

Sinabi ng PNP Chief na kabilang sa kanilang I-rerequest sa Pangulo ay makabagong surveillance equipment.

Sinabi ni Albayalde na magandang investment ang surveillance equipment dahil problema na sa buong daigdig ang Terrorismo.

Una nang inamin ni Albayalde na kulang ang kanilang pondo na pambili ng surveillance equipment.

Una ng inamin ni PNP Chief, na matagal na nilang hiniling ang pondo para sa pagbili ng mga surveillance equipment pero napupulitika ito kaya hindi maaaprubahan ang kanilang proposal.