Nagkasundo ang mahigit na 100 world leaders na tapusin na ang deforestation pagdating ng 2030.
Ito ang naging kasunduan ng mga world liders na dumalo sa 2021 United Nations Climate Change Conference o (COP26).
Nanguna ang Brazil na pumirma sa kasunduan dahil sa halos maraming mga punong kahoy sa Amazon rainforest ang naputol na.
Umabot rin sa $19.2 bilyon ang kanilang pangako para sa public at private funds.
Pinuri naman ng mga environmental experts ang hakbang subalit ikinabahala nila na maulit ang pangako nila noong 2014 na kanilang pahihintuin ang deforestation.
Sinabi United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na siyang host countries ng global meeting sa Glasglow, England na mas maraming bansa ngayon ang nangakong ipapatupad ang deforestation.