-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapaabot ng mga world leaders ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Queen Elizabeth II.

Inalala ni US President Joe Biden si Queen Elizabeth noong una niya itong makita ng personal, sa taong 1982 at ang huli ay noong 2021 ng magtungo ito sa United Kingdom.

HMS queen elizabeth
Queen Elizabeth II

“Queen Elizabeth II was a stateswoman of unmatched dignity and constancy who deppened the bedrock Alliance between the United Kingdom and the United States, She helped make our relationship special,” bahagi ng statement ni Biden. “All told she met 14 American presidents.”

Tinawag naman ni French President Emmanuel Macron na kaibigan ng France ang 96-anyos na si Queen Elizabeth II.

Habang ayon naman kay German Chancellor Olaf Scholz na ang reyna ay naging role model at inspirasyon sa milyong katao sa buong mundo.

Hindi rin niya makakalimutan ang mapagbiro na Queen at ang commitment nito sa German-British reconciliation matapos ang World War Two.

Itinuturing naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na isa sa mga paborito niyang tao ito sa mundo.

“It was with the heaviest of hearts that we learned of the passing of Canada’s longest-reigning Sovereign, Her Majesty Queen Elizabeth II. She was a constant presence in our lives – and her service to Canadians will forever remain an important part of our country’s history.”

Nauna ng sinabi ni British Prime Minster Liz Truss na ang pagpanaw ni Queen Elizabeth ay isang malaking kawalan ng Britanya at buong mundo.

Nagbigay pugay naman si Sweden King Carl XVI Gustaf na isang malayong kaanak sa pagsasabing, “she has always been dear to my family and a precious link in our shared family history.”

Tinawag naman ni Belgium King Philippe at Queen Mathilde si Elizabeth bilang “an extraordinary personality.”

Nagbalik tanaw naman si Indian Prime Minister Narendra Modi sa hindi makakalimutang pagbisita niya ng dalawang beses sa UK.

“I will never forget her warmth and kindness,” pahayag pa ni Modi sa kanyang tweet. “During one of the meetings, she showed me the handkerchief Mahatma Gandhi gifted her on her wedding. I will always cherish that gesture.”

Nagmistula namang sagisag daw ng kapayaan si Queen Elizabeth sa nakalipas na matagal na dekada ayon naman kay António Guterres, ang UN secretary-general.