-- Advertisements --

Nagpaabot nang pakikiramay at pagdarasal ang iba’t ibang lider ng bansa sa pagpanaw ni Prince Philip ng Britanya sa edad 99.

Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson na isang malaking kawalan sa kanilang bansa ang pagpanaw ng Duke of Edinburgh.

Inilarawan naman ni US President Joe Biden na hindi matatawaran ang paninilbihan ni Philip sa Britanya.

Elizabeth and Prince Philip

Labis ang kalungkutan naman ni Irish Prime Minister Michael Martin sa nasabing pagpanaw ng asawa ni Queen Elizabeth II.

Inatasan naman ni Australian Prime Minister Scott Morrison na ilagay sa half-mast ang mga bandila ng kanilang bansa.

Lubos din ang pagdadalamahati nina King Philippe at Queen Mathilde ng Belgium ng malaman ang nasabing balita.

Labis din ang paghanga ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa pumanaw na si Prince Philip.

Ilan sa mga nagpaabot din ng mensahe nang pakikiramay sina Pangulong Rodrigo Duterte, German Chancellor Angela Merkel , Indian Prime Minister Narendra Modi, French President Emmanuel Macron, European Union EU Commission head Ursula von der Leyen, Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, President Uhuru Kenyatta, Pakistan Prime Minister Imran Khan, Italian President Sergio Mattarella, Russian President Vladimir Putin at maraming iba pa.